Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte na nagkaloob ang Office of the Vice President (OVP) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng ₱740,000 na cash assistance para sa 37 mga pamilyang naapektuhan ng oil spill dahil sa lumubog na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro.

Sa Facebook post ni Duterte nitong Sabado, Hunyo 17, nagpasalamat siya sa DSWS sa pakikipagtulungan umano nila upang maipaabot ang cash assistance sa mga magulang ng mga estudyante ng Francisco Tria Memorial School sa Oriental Mindoro.

“Nasa kabuuang 37 na pamilya ang nakatanggap ng ₱20,000 bawat isa noong June 14 bilang tulong ng ating opisina upang makabangon sila sa nasabing insidente,” ani Duterte.

Ang naturang pagkakaloob ng cash assistance ay ikatlong partnership na umano ng OVP at DSWD sa Naujan matapos lumubog ng MT Princess Empress.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, nito lamang Sabado, inanunsyo ng Philippine Coast Guard (PCG) na nakumpleto na ang oil removal/recovery operations matapos ang nangyaring paglubog ng MT Princess Empress noong Pebrero 28.

MAKI-BALITA: Oil removal operations sa lumubog na MT Princess Empress, natapos na – PCG