Binabalewala pa rin ng mga rider ang panawagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na huwag nang gamitin ang EDSA bus lane kasunod na rin ng aksidente sa Quezon City kamakailan na ikinasawi ng isang nagmomotorsiklo.

Ito ay matapos maispatan ni Manila Bulletin photographer Noel Pabalate ang mga nagmomotorsiklo sa naturang lane nitong Sabado sa kabila ng nakaambang panganib.

Paliwanag ng MMDA, pinapayagan lamang na dumaan sa bus lane ang mga ambulansya, fire truck at mga government vehicles na may emergency.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Nitong Miyerkules ng madaling araw, isang rider ang binawian ng buhay matapos mabangga ng isang sports utility vehicle (SUV) na sumusunod sa kanya sa bus lane.

Sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera ng MMDA, tumalsik sa kabilang lane ang rider na nagulungan naman ng isang truck na naging sanhi ng kamatayan nito.