Aliw na aliw ang mga netizen sa tinaguriang "Inday Kenkay" ng "Pinoy Big Brother" at ngayon ay isa sa momshie hosts ng patok na morning talk show na "Magandang Buhay," na si Melai Cantiveros, matapos kumalat sa social media ang ilang video clips ng kuwelang pagrereport sa harap ng klase, noong siya ay nasa kolehiyo pa lamang.

Makikita ang video clips sa iba't ibang social media platforms gaya ng Facebook, YouTube, at maging sa TikTok. Sa video, makikitang tawang-tawa ang mga kaklase kay Melai habang nag-uulat ng naitalagang aralin sa kaniya.

Sa mga hindi nakakaalam, bago pasukin ang PBB House, kagiliwan sa telebisyon at tanghaling Grand Winner ng PBB Double Up noong 2009, nag-aaral sa kolehiyo si Melai ng Bachelor of Secondary Education major in English sa Mindanao State University-General Santos.

Ilan sa mga video ng reporting niya ay ang pagtuturo ng English accent at leadership training.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Siyang-siya naman ang mga kaklase niya at maririnig ang kanilang tawanan sa pagiging naturalesa ni Melai. Kung ano raw siya noon, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Melai isn't just funny, she's a natural genius. Loved her..."

"Indeed, challenge talaga sa pagrereport kung paano mo makukuha ang atensyon ng listeners mo. You either do it in a crazy way with on point thoughts or you speak with boredom. Galing ni Melai - practical and realistic examples."

"She can be a speaker tbh. Walang aantukin pag siya magsasalita, lahat attentive! Hahaha."

"Magaling talaga siya mag-English haha kaya gawa-gawa lang niya yung sablay na grammar para magpatawa."

"Hindi ka aantukin kapag kaklase mo o teacher mo si Melai hahaha."