Sariaya, Quezon -- Patay ang isang rider at ang angkas nitong babae nang masagasaan ng trak sa kahabaan ng Maharlika Highway ng Barangay Concepcion Palasan, nitong Sabado ng madaling araw sa bayang ito.

Kinilala ng Sariaya Police ang mga biktima na sina Ryan Dela Vega Camacho, 27, residente ng 4774 Lanzones St., San Vicente Ferrer Camarin, Caloocan City, at Celeste Noche, 38, residente ng Barangay Dagatan, Lipa City, Batangas.

Ayon sa ulat ng awtoridad, sakay ng Yamaha motorcycle ang mga biktima, na minamaneho ni Camacho, habang binabaybay ang daan patungong Lipa City, Batangas mula sa Lucena City, bandang 1:45 ng madaling araw 

Pagdating sa lugar ng aksidente, nawalan umano ng kontrol si Camacho na naging sanhi upang bumagsak sila sa kalsada. Habang ang isang trak, na minamaneho ng hindi pa nakikilalang drayber, ay binabagtas ang kabilang linya at aksidenteng nabangga ang mga biktima.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Hindi umano huminto ang drayber at patuloy lamang na nagpatakbo patungo sa southbound.

Nagtamo ng matinding sugat ang mga biktima at dinala sa Candelaria District Hospital ng mga rumespondeng miyembro ng MDDRMO Sariaya ngunit sila ay idineklarang patay.

Nagsagawa na ng follow up investigation ang pulisya para sa posibleng pagkakakilanlan at pag-aresto sa drayber ng trak.