Naantig ang damdamin ng mga netizen sa isang viral video ng graduating student mula sa Bago City College sa Bacolod City, matapos niyang hubarin ang kaniyang de-takong na sapatos at ibigay sa kaniyang ina, upang masamahan lamang siyang makaakyat sa entablado at maging bahagi ito ng Investiture of Hoods program para sa kanilang mga magsisipagtapos.

Ginagawa ang seremonyang ito sa Education Department para sa pagtatapos ng practicum program.

Mapapanood ang video sa "The Courier," pahayagang pangmag-aaral ng paaralan. Kinilala ang graduating student na si Anne Rose B. Quinto ng Bachelor of Secondary Education major in Mathematics. Ang kaniyang ina naman ay 52-anyos na si Girlie B. Quinto, isang housewife.

"BSED Mathematics graduating student, Anne Rose B. Quinto who lovingly offered her shoes as her mother, Girlie B. Quinto unexpectedly broke hers while she climbs up the stage with barefoot during the Investiture of Hoods program as part of the Practicum Graduation of the Education Department held at MYTMCC, today," mababasa sa caption ng Facebook post, sa opisyal na page ng campus newspaper.

BALITAnaw: Ang ika-15 anibersaryo ng Maguindanao Massacre

Napag-alaman daw na si Anne Rose ay pang-anim sa kanilang magkakapatid.

"This act of love and gratefulness is proof of her unconditional love to her mother who was able to support her in reaching her dreams."

"Indeed, a true BCCian is not just academically well equipped with knowledge, but someone who has a character that can be proud of," dagdag pa.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!