Ibinida ng isa sa mga bagong host ng bagong "Eat Bulaga!" na si Buboy Villar ang pagbili niya ng bagong kotse, sa kaniyang social media accounts.

Masayang-masaya si Buboy dahil finally ay napalitan na ang bago niyang kotse; bumili siya ng brand new Toyota Fortuner sa Fairview, Quezon City branch, na aniya ay matagal na niyang pangarap.

"Dating pangarap ngayon natupad walang imposible pag may dasal at tiyaga. Salamat po sa mga solido," ani Buboy sa kaniyang Facebook post.

Kalakip ng kaniyang post ang YouTube link ng kaniyang vlog kung saan ibinida niya ang behind-the-scenes sa pagbili niya ng bagong sasakyan.

Sen. Go ukol kay VP Sara: 'Meron tayong working VP at hindi lang spare tire!'

Aniya, kasyang-kasya na umano sila ng kaniyang mag-anak sa loob. Isa pa, araw-araw din niyang magagamit ito lalo na sa trabaho.

Ipinasilip din niya ang BTS ng kanilang preparasyon at rehearsal sa EB.

Umani naman ng reaksiyon at komento mula sa netizens ang pagbili niya ng bagong kotse. May mga nagpaabot ng pagbati sa kaniya subalit marami rin ang pumula at nagpatutsadang baka bonus daw ito ng mga Jalosjos, ang may-ari ng TAPE, Incorporated at producer ng Eat Bulaga. O baka naman daw ito na ang talent fee niya mula sa show.

Pagtatanggol naman ng mga tagasuporta ni Buboy, totoo man o hindi ang mga litanya ng bashers, wala silang pakialam dahil pinaghirapan ito ni Buboy, at wala naman daw siyang inaapakang ibang tao. Hindi naman daw nakuha ni Buboy sa masamang paraan ang pinambili niya sa kotse.