Sa gitna ng mga alalahanin tungkol sa sikat na “lato-lato” sa mga bata, sinabi ng Department of Education (DepEd) na hindi pa ito naglalabas ng mga alituntunin hinggil sa pagbabawal ng laruan sa mga paaralan.

“Wala pa naman tayong guidelines diyan,” ani DepEd Undersecretary at Spokesman Michael Poa sa panayam ng DZBB nitong Biyernes, Hunyo 16.

Sa isang advisory na inilabas noong Hunyo 13, nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa mga posibleng panganib sa kalusugan ng ilang uri ng “lato-lato”, lalo na umano ang mga hindi sumailalim sa quality and safety evaluation.

"The Food and Drug Administration (FDA) warns the public from purchasing and using the unnotified toy and childcare article (TCCA) product, LATO LATO TOYS WITH HANDLE GLOW IN THE DARK LATTO LATTO TOY TOY TOK TOK OLD SCHOOL TOY ETEK TOY LATO LATO MAKASAR," saad ng advisory ng FDA.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Merlina Hernando-Malipot