Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Sabado ng madaling araw, Hunyo 17, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 4:52 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 357 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 1 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Budget ng OVP, aprub sa senado; mga senador, nagpa-pic kay VP Sara

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.