"If you are not accepted, just choose happiness."

Ito ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa mga miyembro ng LGBTQI+ community habang nagdiriwang ang kaniyang opisina ng Pride Month nitong Biyernes, Hunyo 16.

Ayon kay Duterte, may ilang lesbian, gay, bisexual, transgender, queer at intersex na indibidwal, partikular na ay mga kabataan, na hindi pa tiwala sa kanilang sarili, ngunit hindi na umano nila dapat isipin ang kanilang kasarian.

"Of course, we all want respect and acceptance... Piliin mo lang kung saan ka masaya," ani Duterte.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Sinabi ng bise presidente na kailangan ng gobyerno ang LGBTQI+ community upang maging katuwang nito sa pagtugon sa magkakaugnay na pangangailangan at isyu sa lipunan.

Kabilang umano sa mga naturang isyu ang kahirapan, paglaganap ng iligal na droga, at mga panganib na dulot ng insurhensiya at mga teroristang grupo sa mga bata.

"The Marcos administration is counting on your contribution to the growth of our nation," aniya.

Nanawagan din si Duterte ng suporta ng komunidad para sa panawagan ng gobyerno para sa gender equality at social empowerment sa pamamagitan ng mga paraan na magsusulong ng entrepreneurial collaboration at advancement sa iba't ibang industriyang sosyo-ekonomiko.

"While we wait patiently for the passage of the SOGIE (Sexual Orientation, Gender Identity and Expression) Bill, ang sasabihin ko nalang ay good things take time. But we have advocates in the government kasama na ako na sumusuporta sa batas ng proteksyon," saad ni Duterte.

Joseph Pedrajas