Ipinahayag ni Vice President Sara Duterte nitong Biyernes, Hunyo 16, na higit pang pagsisikap ang kailangang gawin upang isulong ang LGBTQI+ community, partikular sa sektor ng negosyo, sa gitna umano ng "systemic discrimination" na kinakaharap ng mga miyembro nito.

Sa reception ng Office of the Vice President (OVP) Pride, binanggit ni Duterte na ang ilang lesbian, gay, transgender, queer and intersex (LGBTQI) na mga tao ay may limitadong pagkakataon para sa kabuhayan o trabaho.

Sinabi niya na nakararanas ang mga miyembro ng komunidad ng mga hadlang kapag sinusubukang i-access ang mga pondo, lisensya, produce sales, mag-hire ng kawani, o kumuha ng insurance.

Higit pa umano rito ay ang pakiramdam na hindi ligtas na lumabas o tuklasin business prospects na naaayon sa kanilang pagkakakilanlan.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

"LGBTQI+ people already face enough obstacles on their own, but to sustain their enterprises and expand their businesses, they are far more likely to encounter issues that are specific to underserved and marginalized groups," ani Duterte.

"Hindi lang tayo sa kasiyahan, we should not forget that more needs to be done to advance LGBTQI+ inclusion and equality in all sectors, including the business sector," dagdag niya.

Dahil dito, sinabi ni Duterte na hindi lamang isinusulong ng kaniyang tanggapan ang pagiging inklusibo at pagkakapantay-pantay, ngunit itinataguyod din umano nito ang mahalagang papel ng komunidad sa pagsulong ng paglago ng lokal na komersyo sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga platapormang magbibigay-daan sa kanila upang ipakita ang kanilang pagkamalikhain at pagiging maparaan.

"It is crucial that we steadfastly advocate for their further empowerment and collaboration among the business community," ani Duterte.

"As socio-economic disparities across genders continue to rise, we believe in the importance of expanding the capacities of the sector, thereby instituting programs that will not only narrow the economic gaps among genders but will also help them contribute to the overall growth of their respective industries," saad pa niya.

Joseph Pedrajas