Muling nag-aalburoto ang Taal Volcano sa Batangas kasunod na rin ng sunud-sunod na pagyanig sa nakalipas na 24 oras.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), 38 na volcanic earthquake ang naitala nito mula Huwebes hanggang Biyernes ng madaling araw.

Umabot naman sa 7,643 tonelada ng sulfur dioxide ang pinakawalan ng bulkan nitong Hunyo 15, bukod pa ang ibinugang 3,000 metrong taas na usok at tinangay ng hangin pa-timog kanluran at hilagang kanluran.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nagkaroon din ng panandaliang pamamaga ng kanlurang bahagi ng Taal Volcano Island (TVI)

Ipinagbabawal pa rin ng Phivolcs ang paglapit at pagpasok sa TVI, lalo na sa main crater at Daang Kastila fissures, at pamamalagi sa lawa ng Taal.

Ibinabala pa rin ang posibleng phreatic explosions, ashfalls at pagbuga ng nakalalasong usok anumang oras.

Nasa alert level 1 pa rin ang status ng bulkan, ayon pa sa Phivolcs.