Publiko, hinikayat ng PRC na kumpletuhin ang kanilang Covid-19 booster shots
Publiko, hinikayat ng PRC na kumpletuhin ang kanilang Covid-19 booster shots
Hinikayat ng Philippine Red Cross (PRC) nitong Biyernes ang publiko na kumpletuhin na ang kanilang Covid-19 booster shots upang magkaroon ng optimal protection laban sa Covid-19.
Ayon kay PRC Chairman at CEO Richard J. Gordon, krusyal para sa lahat na makumpleto ang kanilang bakuna laban sa Covid-19.
"Completing your COVID-19 booster shots strengthens one’s immune system against the virus – providing protection to individuals and safeguarding the health of our communities," aniya pa.
Nabatid na ang mga indibidwal na hindi pa nakakatanggap ng booster shots ay maaaring magtungo sa PRC Logistics and Multipurpose Center (PLMC) na matatagpuan sa PRC Tower sa Mandaluyong City.
Ang PLMC ay nagkakaloob ng ligtas at conducive na kapaligiran para sa pagbabakuna at tumatalima sa istriktong health at safety protocols upang masiguro ang kapakanan ng mga indibidwal na tumatanggap ng booster shots.
Ito ay mayroong mga trained healthcare professionals na siyang gagabau at aasiste sa mga indibidwal, sa buong proseso ng vaccination.
Samantala, binigyang-diin naman ni PRC Secretary-General, Dr. Gwendolyn T. Pang ang kahalagahan ng vaccination sa pagkakaroon ng immunity.
'We encourage everyone to take advantage of this opportunity and protect themselves and their loved ones," aniya.