Nakalabas na ng ospital si Pope Francis nitong Biyernes, Hunyo 16, matapos siyang isailalim sa hernia operation.

Sa ulat ng Agence France-Presse, lumabas ang 86-anyos na pope sa Gemelli hospital sa Rome dakong 8:45 ng umaga (0645 GMT) at bumalik na rin sa Vatican kung saan mas susuriin ang kaniyang kalusugan.

Makikita umano si Pope Francis na lumabas ng ospital nang nakangiti habang nakaupo sa wheelchair at pinasasalamatan ang mga taong nasa labas na nais siyang batiin sa paggaling niya.

Matatandaang Hunyo 7 nang sumailalim ang pope sa tatlong oras na operasyon sa ospital matapos umanong dumanas ng hernia sa kaniyang peklat mula sa nakaraang operasyon.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Isinaialim siya general anesthesia at inayos ang abdominal wall gamit ang isang surgical mesh.

Matatandaang dinala si Pope Francis sa isang ospital sa Rome noong Marso 29 dahil may mga pagkakataon naman umanong nahihirapan siyang huminga.

MAKI-BALITA: Pope Francis, dinala sa ospital dahil sa respiratory infection

Nakalabas sa ospital ang pope noong Abril 1 matapos ang tatlong araw niyang paggagamot ng antibiotics para sa kaniyang bronchitis.

MAKI-BALITA: Pope Francis, nakalabas na sa ospital: ‘I am still alive’