Suspendido na ang lahat ng permit to carry firearms sa Metro Manila dahil na rin sa idaraos na ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Hulyo 24.

Ito ang inanunsyo ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Biyernes at sinabing 24 oras na ipatutupad ang suspensyon ng permits to carry firearms outside of residence (PTCFOR).

Epektibo ang suspensyon pagpatak ng 12:01 ng madaling araw ng Hulyo 24 hanggang hatinggabi ng nasabi ring araw, ayon kay NCRPO director, Maj. Gen. Edgar Okubo.

Ipatutupad din ng pulisya ang "No Fly Zone/No Drone Zone" sa bisinidad ng gusali ng Batasang Pambansa sa Quezon City kung saan gaganapin ang SONA.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

"Inaasahan na natin ang pagkakaroon ng mga kilos protesta sa araw [ng SONA] kung kaya't nakahanda na tayo para sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad. Mahigpit din nating ipatutupad ang maximum tolerance at pagsunod sa Police Operational Procedures, lalung-lalo na ang pagpapahalaga sa karapatang-pantao ng lahat ng makikilahok sa araw na ito," banggit pa ni Okubo.

Philippine News Agency