Plano ng Manila City Government na pasikatin at makilala muli ang lungsod ng Maynila bilang fashion capital ng bansa.

Ito ang nabatid sa isinagawang pulong balitaan nitong Biyernes sa Manila City Hall, kaugnay ng gaganaping fashion extravaganza sa lungsod, na idaraos sa Bulwagang Rodriguez sa Hunyo 20, na tinatawag na 'Rampa Manila.' 

Sa pangunguna ni Manila Mayor Honey Lacuna at Charlie DJ Dungo hepe ng Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM), ito ang kauna-unahang fashion show na kabilang sa mga nakalinyang gawain para sa ika-452 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Maynila.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

"We would like Manila to reclaim its place in Philippine fashion and culture, promote our local artists and the shops in Divisoria that play a big role in the textile trade. Manila offers a wide variety of inspiration and source of materials," pahayag ng alkalde.

Ang mga kilalang fashion icons na sina Albert Andrada, Michael Leyva,  Marlon Tuazon, Puey Quiñones at Jo Rubio ang magtatanghal ng kanilang piling disenyo ng mga kasuotan na magtatampok sa esensya ng Filipino heritage with cutting edge trend.

Kasama ring magrarampa ng kanilang dinisenyong kasuotan ang mga bagong talento na kinabibilangan nina John Jay Montecalvo, Gabriel Buenabajo at Corven Uy.

Ang kauna-unahang fashion extravaganza ay ididirek ng kilalang fashion runway director na si Bang Pineda.