
(PNA File Photo)
Kaso ng dengue sa Pangasinan, bahagyang tumaas
PANGASINAN - Bahagyang lumobo ang kaso ng dengue sa lalawigan, ayon sa Provincial Health Office (PHO) nitong Biyernes.
Paliwanag ni PHO nurse Eugenio Carlos Paragas sa isinagawang virtual forum sa Malasiqui kamakailan, nakapagtala sila ng 424 dengue cases mula Enero 1 hanggang Hunyo 5 ng taon, bahagyang tumaas kumpara sa 419 na naitala sa kaparehong panahon ng 2022.
Kabilang sa mga naapektuhan ang San Carlos, Urdaneta, Calasiao, Binmaley, Malasiqui, Bayambang, Umingan, Sta. Barbara, Manaoag at Bugallon.
“Most of the cases are in the five to nine years old age group. So, they could have acquired dengue either in their homes or in their schools where there are possible breeding grounds for mosquitoes,” aniya.
“We have been preparing since January this year. We conducted training by the Department of Health regional office for the rural health units in the province,” dagdag pa nito.
Philippine News Agency