“Could this be a new species of Pungapong? 🤔”

Nagbahagi ang Masungi Georeserve nitong Huwebes, Hunyo 15, ng mga larawan ng kakaibang halaman na maaaring bagong species umano ng foul-smelling 𝘈𝘮𝘰𝘳𝘱𝘩𝘰𝘱𝘩𝘢𝘭𝘭𝘶𝘴 o mas kilala bilang “Pungapong.”

“The rainy season in Masungi has become synonymous with the blooming of the foul-smelling 𝘈𝘮𝘰𝘳𝘱𝘩𝘰𝘱𝘩𝘢𝘭𝘭𝘶𝘴, more commonly known as the Pungapong,” anang Masungi sa kanilang Facebook post.

“It emits a rotten carcass-like odor that may be smelled from several meters away,” dagdag nito.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Unang nakilala bilang 𝘈𝘮𝘰𝘳𝘱𝘩𝘰𝘱𝘩𝘢𝘭𝘭𝘶𝘴 𝘶𝘳𝘤𝘦𝘰𝘭𝘢𝘵𝘶𝘴, maaari umanong isang bagong species ang Pungapong na natagpuan sa Masungi.

Ayon daw kasi sa isa sa kanilang mga expert collaborator, iba ang pagkakalarawan ng 𝘈𝘮𝘰𝘳𝘱𝘩𝘰𝘱𝘩𝘢𝘭𝘭𝘶𝘴 𝘶𝘳𝘤𝘦𝘰𝘭𝘢𝘵𝘶𝘴 sa species na kanilang nakita.

“The presence of this unique species demonstrates the biological richness of the karst landscape, which must be preserved,” saad ng Masungi.