Mahigit sa isang milyong bata na ang nawalan ng tirahan dahil sa digmaan sa bansang Sudan, ayon sa United Nations Children's Fund (UNICEF).

Sa ulat ng Agence France-Presse, sinabi ng UNICEF na kabilang sa mga naturang mga batang nawalan ng tirahan dahil sa tigmaan ang 270,000 bata sa rehiyon ng Darfur.

Samantala, hindi umano bababa sa 330 mga bata ang namatay habang mahigit 1,900 iba pa ang nasugatan.

Nagbabala rin ang ahensya na marami pa ang nasa "mabigat na panganib" dahil sa naturang hidwaan sa Sudan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

"The future of Sudan is at stake, and we cannot accept the continued loss and suffering of its children,” saad ni Mandeep O'Brien, UNICEF representative sa Sudan.

"Children are trapped in an unrelenting nightmare, bearing the heaviest burden of a violent crisis they had no hand in creating -- caught in the crossfire, injured, abused, displaced and subjected to disease and malnutrition," dagdag nito.

Tinatayang 13 milyong bata umano ang nasa "matinding pangangailangan" ng tulong.

Handa naman umanong tumulong ang UNICEF ngunit nanawagan din ito para sa ligtas, unrestricted access at garantisadong seguridad sa lahat ng mga lugar kung saan ang mga bata ay lubhang nangangailangan.

Nagsimula ang hidwaan ng Sudan sa kalagitnaan ng Abril sa pagitan ng army chief na si Abdel Fattah al-Burhan at kaniyang dating deputy na si Mohamed Hamdan Daglo, na namumuno sa paramilitary Rapid Support Forces (RSF).