Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race
Inanunsyo ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes na sisimulan na ng Pilipinas ang pamamahagi ng Covid-19 bivalent vaccines sa susunod na linggo.
Kinumpirma ng DOH na ang pagtuturok ng naturang bakuna ay ilulunsad sa isang seremonya sa Philippine Heart Center sa Quezon City, sa Hunyo 21, na dadaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Una anilang pagkakalooban ng bakuna ang mga healthcare workers, gayundin ang mga senior citizen.
Matatandaang kamakailan ay nakatanggap ang Pilipinas ng 390,000 doses ng bivalent Covid-19 vaccines mula sa Lithuania.
Tiniyak rin ng pamahalaan na bibili pa sila ng karagdagang bivalent vaccines.
Kaugnay nito, hinikayat ng DOH ang mga eligible individuals na agad na magpabakuna.
"Despite the decreasing trend of the Covid-19 positivity rate of 11.6 percent in the National Capital Region as of June 10, we still encourage all eligible individuals to get vaccinated as the threat of infection still continues," ani Health Secretary Teodoro Herbosa, sa isang pahayag.
Paniniguro pa niya, ang mga bakuna ay napatunayan nang ligtas at epektibo, at libre pa ring ipagkakaloob para sa mga mamamayan.
Ani Herbosa, "People should not be complacent, especially the senior citizens who are high-risk individuals and persons taking care of those with Covid-19."
Nabatid na ang mga donated bivalent vaccines ay nakatakdang mag-expire sa Nobyembre 23.