Tumaas ang kaso ng dengue sa Ilocos Region, ayon sa pahayag ng Department of Health-Center for Health Development (DOH-CHD) nitong Biyernes.
Mula Enero 1 hanggang Mayo 31 ngayong taon, nakapagtala ang DOH ng 742 dengue cases, halos 11 porsyento ang itinaas kumpara sa naitalang 664 kaso sa kaparehong panahon noong 2022.
Probinsya
Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon
Paliwanag ni DOH-CHD-Region 1 medical officer Dr. Rheuel Bobis, kabilang sa kabuuang bilang ng kaso ang 389 na naitala sa Pangasinan, 144 sa La Union, 59 sa Ilocos Sur, at 115 sa Ilocos Norte.
Bumaba rin aniya ang mortality rate ng sakit ngayong taon kung saani isa lamang ang nasawi kumpara sa tatlo nong 2022.
“There is an increased risk due to increased exposure as restrictions have been eased as compared to last year,” aniya.
Idinagdag pa ni Bobis, karamihan sa mga pasyente ay may edad 10 pababa.
Philippine News Agency