Binabantayan na ng mga sundalo at pulis ang 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Mayon Volcano.

Pumuwesto ang pinagsanib na grupo ng 31st Infantry Brigade ng Philippine Army (PA) at Naga 

City Mobile Force Company ng Philippine National Police (PNP) sa PDZ upang matiyak na nailikas na ang lahat ng residente sa paanan ng bulkan sa Barangay Budiao, Daraga, Albay.

Ipinagbabawal din ng mga ito ang pagpasok ng mga residente o turista sa danger zone dahil sa posibilidad na magkaroon ng pagsabog.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nauna nang sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na maaapektuhan ng posibleng pagsabog ng bulkan ang mga bayan at lungsod na saklaw ng PDZ.

Sa nakaraang monitoring period ng Phivolcs, naiatala ang apat na pagyanig, 307 rockfall events at 13 pyroclastic density current (PDC) events sa Mayon Volcano.