Apat pa na pagyanig at 307 rockfall events ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakaraang 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Labing-tatlo ring pyroclastic density current (PDC) events ang naobserbahan sa bulkan.

Nakita rin ang mabagal na pag-agos ng lava mula sa bunganga ng bulkan nitong Huwebes ng gabi.

Nasa 826 namang tonelada ng sulfur dioxide ang pinakawalan ng Mayon Volcano simula Huwebes ng madaling hanggang Biyernes ng madaling araw.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Umabot naman sa 750 metrong taas ng usok mula sa bulkan ang tinangay ng hangin pa-kanluran at hilaga hilagang-silangan.

Naobserbahan din ng Phivolcs ang ground deformation o pamamaga ng bulkan.

Ipinatutupad din ng ahensya ang 6-kilometer radius permanent danger zone mula sa Mayon Volcano na isinailalim pa rin sa alert level 3 status.

Babala muli ng ahensya, posibleng sumabog ang bulkan anumang oras dahil sa hindi tumitigil na pag-aalburoto nito.