Nasa 34 aftershocks na ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) matapos yanigin ng magnitude 6.3 na lindol ang probinsya ng Batangas nitong Huwebes, Hunyo 15.

Ayon sa Phivolcs, nangyari ang lindol sa Calatagan, Batangas, bandang 10:19 ng umaga, at naramdaman din umano sa Maynila at mga karatig lugar.

MAKI-BALITA: Batangas, niyanig ng magnitude 6.3 na lindol

Sa bulletin naman ng Phivolcs nitong Biyernes, Hunyo 16, mula 12:00 ng tanghali ay 34 aftershocks na ang naitala, kung saan naglalaro ang magnitude ng mga ito mula 1.4 hanggang 3.1.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Wala sa naman umanong naramdaman sa mga naitalang pagyanig.