Ilang mga Pinoy netizens ang nagtuwid sa Filipino-American actress na si Vanessa Hudgens matapos niyang mag-post ng pagbati sa pagdiriwang ng ika-125 taon ng Kalayaan ng Pilipinas o Philippine Independence Day noong Hunyo 12, 2023.
Sinita kasi ng mga netizen ang paggamit ng maliit na letra para sa "Pilipinas" at "Philippines."
Dahil pangalan ito ng bansa, kailangan daw ay kapital o malaki ang letrang P dahil ito ay nasa unahan.
Mababasa sa kaniyang Instagram post, as is, "Maligayang araw ng kalayaan pilipinas! Happy independence day philippines šµš learning about my heritage and history was so empowering. Connecting to the land and people. Canāt wait to get back. #WeGiveTheWorldOurBest."
Ayon sa ulat, narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
"Napaka-basic di pa matama. Proper noun dapat capital letter."
"Yung now ka na nga lang nagpaka-all out ng pagka-Pinoy mo, pero sumablay pa."
"I think tama lang supalpalin s'ya dahil gagamit na nga ng Philippines for clout di pa maayos. Iba talaga yung may genuine respect aka Sandara vs yung mga katulad n'ya na may agenda."
"Napakasimple na nga di ba! CAPITAL for any country it's CAPITAL P di pa magawa."
"Aralin mo muna correct spelling man lang ng Pilipinas at Philippines, inengā¦ My heritage and history ka [diyan]!ā exclaimed a different Pinoy.
"P is capital letter ā so it should be Philippines and Pilipinas."
Ang iba naman, nang-okray na ngayon lang daw nag-post para sa Philippine Independence Day ang Fil-Am actress.
āIt took you 30+ years to love?"
"Kasama sa pay kaya may pa-greet na ganyan, but noon ay waley."
"Talaga ba sis?"
"Oh required magpost."
Samantala, mapapansing naka-limited lamang ang puwedeng magkomento sa nabanggit na Independence Day post.