Nakatutulong sa pagpapababa ng intellectual quotient (IQ) ng mga kabataan ang pagdepende nila sa mga tinatawag na influencer at social media platform bilang kanilang pangunahing pinagmumulan ng balita at impormasyon, ayon kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro.

Sa kaniyang pahayag nitong Huwebes, Hunyo 15, ibinahagi rin niyang matindi siyang nababahala sa umiiral na media landscape sa Pilipinas.

"The proliferation of fake news and disinformation is a serious threat to our society. It is imperative that we promote media literacy and critical thinking skills among our youth to combat the spread of false information and ensure a well-informed citizenry," saad ni Castro.

Ayon sa Makabayan solon, ang pagbabagong ito mula sa tradisyonal na media outlets tungo sa mga influencer at social media ay humantong sa pagkalat ng “fake news” at disinformation na nag-aambag umano sa pagguho ng kritikal na pag-iisip at pagbaba ng [IQ] ng publiko.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

"We must also address the causes of this trend by strengthening the media industry, protecting journalists, and upholding their rights to report without fear of reprisal,” ani Castro.

"It is high time that we put an end to the culture of impunity that allows these attacks on media freedom to persist like the case of Frenchie Mae Cumpio, who is in prison for more than three years already due to trumped up charges," dagdag niya.

Si Cumpio — isang mamamahayag para sa Eastern Vista sa Tacloban City — ay na-red-tag at nakapagdokumento ng mga insidente ng "harassment" at "surveillance" bago siya arestuhin, anang mambabatas.

Hinimok naman ni Castro ang kaniyang mga kapwa mambabatas na suportahan at ipasa ang batas na magtataguyod ng kalayaan sa pamamahayag at magagarantiya sa karapatan ng mamamayan na makakuha ng maaasahan at walang pinapanigang impormasyon.

"The media plays a vital role in our democracy. We must stand together to defend their rights and work towards a media landscape that is free, impartial, and accountable," saad ni Castro.

Ellson Quismorio