ANTIQUE - Nasa ₱8 milyon na ang nalugi sa mga magbababoy kasunod na rin ng pagkamatay ng 906 na baboy na pinaghihinalaang tinamaan ng African swine fever (ASF) sa Hamtic.

Ito ang isinapubliko ni Hamtic Municipal Agriculture officer Isidro Ramos nitong Huwebes at sinabing nakapagtala ng kaso ng pagkamatay ng mga baboy ang 18 sa 48 na barangay sa naturang bayan.

"The 18 barangays have already reported 906 hog mortalities since May 28 until Thursday,” aniya.

Kabilang aniya sa naturang bilang ang pagkamatay ng dalawang baboy mula sa isang farm sa Brgy. Malandog nitong Huwebes.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Sinabi ni Ramos, hinihintay pa nila ang Antique Provincial Veterinary Office na magsumite ng specimen sa Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry (DA-BAI) upang makumpirma kung nahawaan ng ASF ang kanilang mga baboy.

Mahigpit pa rin ang isinasagawang pagbabantay ng mga awtoridad sa mga entry points upang matiyak na hindi makapapasok sa lugar ang mga baboy na nahawaan ng ASF.

Philippine News Agency