Pansamantalang isinara ang mga runway at taxiway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Huwebes ng umaga, Hunyo 15, matapos yanigin ng magnitude 6.3 na lindol ang probinsya ng Batangas na naramdaman din sa Metro Manila at mga karatig lugar.

Naramdaman ang lindol dakong 10:19 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

MAKI-BALITA: Batangas, niyanig ng magnitude 6.3 na lindol

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), isinara muna ang mga runway at taxiway dakong 10:23.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“The MIAA Ground Safety Units conducted a cursory inspection and found no damage to the pavements. This is a standard operating procedure to ensure safety of landing and take-off of aircraft,” anang MIAA.

“We seek the understanding of the public for any effects to flight schedules brought about by the momentary closure. Safety of passengers and flights remain our paramount concern,” saad pa nito.

Natapos umano ang inspeksyon sa dalawang runway dakong 10:34 ng umaga at agad na binuksan ang mga runway para magamit.

Hindi naman umano naapektuhan ng mga inspeksyon ng terminal safety units ang departure at arrival operations sa loob ng mga terminal