Nakatakda nang lumabas ng ospital si Pope Francis sa Biyernes, Hunyo 16, matapos niyang magpagaling mula sa abdominal surgery, ayon sa Vatican.

Sa ulat ng Agence France-Presse, sumailalim si Pope Francis, 86, sa tatlong oras na operasyon sa ospital ng Gemelli sa Roma noong Hunyo 7.

Ito ang pinakabagong health procedure ng lider ng Simbahang Katoliko.

"The medical team that is following Pope Francis has confirmed the Holy Father's discharge,” pahayag ng Vatican nitong Huwebes, Hunyo 15.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Si Pope Francis, na nagkaroon ng colon surgery noong 2021, ay dumanas umano ng hernia sa kaniyang peklat mula sa nakaraang operasyon.

Isinaialim siya general anesthesia at inayos ang abdominal wall gamit ang isang surgical mesh.

Matatandaang dinala si Pope Francis sa isang ospital sa Rome noong Marso 29 dahil may mga pagkakataon naman umanong nahihirapan siyang huminga.

MAKI-BALITA: Pope Francis, dinala sa ospital dahil sa respiratory infection

Nakalabas sa ospital ang pope noong Abril 1 matapos ang tatlong araw niyang paggagamot ng antibiotics para sa kaniyang bronchitis.

MAKI-BALITA: Pope Francis, nakalabas na sa ospital: ‘I am still alive’