Natupad na umano ni "It's Showtime" host Jhong Hilario ang kaniyang pangarap na makatapos sa kolehiyo, at take note, may parangal pa siyang "magna cum laude" ayon sa panayam sa kaniya sa TV Patrol.

Sa tampok na video, makikitang hiniritan ng batchmates ang "Sample King" na mag-sampol ng sayaw habang nasa entablado, matapos tanggapin ang kaniyang diploma.

Nagpakita naman ng kaunting pagsayaw si Jhong kahit na siya ay nakasuot ng toga.

Natapos ni Jhong ang kursong Political Science sa Arellano University.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa edad na 46, tiniyak daw ni Jhong na matutupad niya ang pangako sa mga magulang---ang makatapos sa kolehiyo.

Bitbit ang anak, sinabi ni Jhong sa panayam na ito ang kaniyang bayad-utang sa kaniyang mga magulang.

"Ito yung bayad-utang ko sa mga magulang ko. Lahat ng parents, gugustuhing makatapos ng pag-aaral mga anak nila. Ang lahat ginagawa nila, nagtatrabaho sila nang marangal para makapagpaaral ng mga anak."

"Heto na 'yon! Kahit late na, at the age of 46, at least buhay pa ang parents ko," ani Jhong.

"Sa lahat ng gustong makatapos ng pag-aaral, kahit late na katulad ko, meron talagang pagkakataon, meron talagang paraan para gawin ito, kahit na sobrang busy tayo, time management lang, for me napakaiksi ng buhay para walang gawin eh."

Hindi lamang dancer, TV host at aktor si Jhong kundi isa ring public servant sa Makati. Siya ay naninilbihang konsehal sa 1st District of Makati simula pa noong 2016.

Mabuhay ka, Jhong! Congratulations!