Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang probinsya ng Batangas nitong Huwebes ng umaga, Hunyo 15, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 10:19 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 15 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Calatagan, Batangas, na may lalim na 119 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa CITY OF MANILA; CITY OF MANDALUYONG; QUEZON CITY; CITY OF VALENZUELA; City of Malolos, BULACAN; Batangas City, Ibaan, Lemery, Nasugbu, at Talisay, BATANGAS; City of Dasmariñas, at City of Tagaytay, CAVITE; Tanay, RIZAL

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Intensity III naman sa PATEROS; CITY OF LAS PIÑAS; CITY OF MAKATI; CITY OF MARIKINA; CITY OF PARAÑAQUE; CITY OF PASIG; Obando, BULACAN; Laurel, BATANGAS; City of Bacoor, at City of Imus, CAVITE; City of San Pablo, at City of San Pedro, LAGUNA; San Mateo, RIZAL

Naiulat din ang Intensity II sa CITY OF CALOOCAN; CITY OF SAN JUAN; CITY OF MUNTINLUPA; City of San Fernando, LA UNION; City of Alaminos, at Bolinao, PANGASINAN; Santa Maria, BULACAN; Bamban, TARLAC, habang Intensity I sa City of San Jose Del Monte, BULACAN.

Samantala, naitala ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity IV - Abucay, BATAAN; Lemery, BATANGAS; Malolos City, at San Ildefonso, BULACAN; Magallanes, Tagaytay City, CAVITE; San Jose, OCCIDENTAL MINDORO; Calapan City, at Puerto Galera, ORIENTAL MINDORO; San Antonio, Olongapo City, Cabangan, ZAMBALES

Intensity III - Dinalupihan, Mariveles, BATAAN; Batangas City, Sta. Teresita, Cuenca, Bauan, Talisay, Laurel, at San Luis, BATANGAS; Paombong, Guiguinto, Marilao, and Pulilan, BULACAN; Bacoor City, Carmona, Ternate, Naic, CAVITE; Las Pinas, Malabon City, Pasig City, METRO MANILA; Cabanatuan City, NUEVA ECIJA; Abra De Ilog, OCCIDENTAL MINDORO; Roxas, ORIENTAL MINDORO; Guagua, PAMPANGA; Mauban, QUEZON; Tanay, RIZAL; San Marcelino, Subic, ZAMBALES

Intensity II - Baler, AURORA; Rosario, Malvar, BATANGAS; Angat, Obando, Norzagaray, Santa Maria, BULACAN; Calamba, at San Pablo, LAGUNA; San Juan City, Pasay, and Quezon City, METRO MANILA; San Antonio, NUEVA ECIJA; Victoria, ORIENTAL MINDORO; San Fernando, PAMPANGA; Bani, at Infanta, PANGASINAN; Tayabas, Infanta, Lopez, Dolores, at Alabat, QUEZON; Bamban, TARLAC

Intensity I - Paranaque City, METRO MANILA; San Jose, Gabaldon, at Bongabon, NUEVA ECIJA; Magalang, PAMPANGA; Lingayen, Bolinao, at Urdaneta, PANGASINAN; Mulanay, Lucena City, at Gumaca, QUEZON; Taytay, Antipolo, at Angono, RIZAL; Santa Ignacia, Ramos, at Tarlac City, TARLAC

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa kalapit sa lugar sa posibleng aftershocks ng lindol.

Inaasahan din umanong magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.