Tinatayang 53% ng mga estudyante sa Catholic schools ang hindi sumasang-ayon sa mandatory Reserve Officers' Training Corps (ROTC), ayon sa isinagawang survey ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP).

Sa survey na isinagawa nitong Abril, sa 53% mga estudyanteng tutol sa mandatory ROTC, 32% umano rito ay labis na hindi sumasang-ayon.

Pagdating sa kadahilanan ng mga hindi sumasang-ayon, 54% umano ang nagsabing nakadaragdag lamang ang mandatory ROTC sa pasanin ng mga estudyante, 42% ang nagsabing dagdag lang ito sa gastusin ng kanilang pamilya, 32% ang naa-alarma sa banta ng karahasan at katiwalian, 17% ang nagsabing sumasalungat ito sa kanilang mga religious beliefs, at 6% ang nagbigay ng ibang kadahilan tulad ng medikal na kondisyon at bullying.

Samantala, 28% ng mga respondente ay sang-ayon sa mandatory ROTC, kung saan 22% dito ay lubos na sumasang-ayon, ayon sa CEAP.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pagdating naman sa kadahilanan ng mga pubapabor sa mandatory ROTC, 68% ang nagsabing nais nilang matuto ng “basic military training, physical exercise, disaster preparedness at civic engagement.” Tinatayang 46% naman umano sa mga sumasang-ayon ang naniniwalang matuturang ng programa ang mga estudyante ng pagiging makabayan at nasyonalismo, 45% ang naniniwalang layon ng mandatory ROTC na i-compensate ang mga estudyante tulad ng military uniform, at 7% ang nagsabing magtuturo ang programa ng disiplina tulad ng self-defense at serbisyo sa bansa.

Nasa 19% naman umano ng mga estudyante ang hindi nagbigay ng kanilang saloobin hinggil sa usapin.

Mayroon umanong 20,461 kabuuang mga respondente ang naturang survey na isinagawa mula Abril 3 hanggang 24 ngayon taon.