Sumipot na si Most Valuable Player Scottie Thompson sa ikalawang ensayo ng Gilas Pilipinas na sasabak sa unang bugso ng 2023 FIBA World Cup sa Agosto.

Kabilang lamang si Thompson sa 11 na manlalaro na nakita sa training ng koponan sa Meralco gym sa Pasig City nitong Martes ng gabi.

Nauna nang naiulat na nagkasakit si Thompson kaya hindi ito nakadalo sa unang practice ng Gilas.

Bukod kay Thompson, dumalo rin sa ensayo sina Thirdy at Kiefer Ravena, Ange Kouame, June Mar Fajardo, AJ Edu, CJ Perez, Japeth Aguilar, Rhenz Abando, Chris Newsome, at Poy Erram.

National

Bam Aquino sa girian sa politika: 'Taumbayan na naman naiipit!'

Tumagal lamang ng isang oras ang ensayo na tuloy-tuloy hanggang Biyernes bago isagawa ang training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba City simula sa Sabado.

Ang unang bugso ng nasabing international competition ay sisimulan sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10.

Bukod sa Pilipinas, magiging host din ng kompetisyon ang Japan at Indonesia.

Philippine News Agency