Isang 48-anyos na lalaki ang inaresto ng mga miyembro ng Parañaque Police Station Intelligence Section (SIS) dahil sa illegal possession of explosive at firearm kasunod ng anti-criminality operations nitong Martes, Hunyo 13.

Kinilala ni Col Renato Ocampo, hepe ng pulisya ng lungsod ang lalaki na si Abdul Sallam Silongam, na kilala rin bilang Hakim, 48.

Sinabi ni Ocampo na naaresto si Hakim dakong alas-8:39 ng gabi sa Old Sucat Road sa Barangay San Dionisio, Parañaque City. 

Nakumpiska mula sa suspek ang isang replica ng .45-caliber pistol with magazine at isang hand grenade. 

National

Diokno, De Lima, makatutulong sa prosekusyon hinggil sa impeachment vs VP Sara—SP Chiz

Sinabi ni Ocampo na nakakulong ang suspek sa police custodial facility matapos itong arestuhin. 

Kinasuhan ang suspek ng illegal possession of firearm and explosive.

Jean Fernando