Pitong beses na naitala ang pyroclastic density current (PDC) events o pagbuga ng lava ng Mayon Volcano nakaraang 24 oras.
Sa monitoring period ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagkaroon din ng 309 rockfall events at pitong pagyanig ang bulkan simula 5:00 ng madaling ng Martes hanggang 5:00 ng madaling araw ng Miyerkules, Hunyo 14.
Nagbuga rin ito ng 149 tonelada ng sulfur dioxide nitong Hunyo 13.
Nakitaan din ng usok ang bulkan na tinangay ng hangin pa-silangan.
Sinabi rin ng Phivolcs, patuloy ang pamamaga ng bulkan o ground deformation.
Nauna nang sinabi ng ahensya na itataas pa nila alert level status ng bulkan sakaling tumindi pa ang pag-aalburoto ng bulkan.
Ipinatutupad pa rin ng Phivolcs ang 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) mula sa bulkan dahil sa nakaambang pagsabog nito.