Espesyal ang Tuesday episode ng "Fast Talk with Boy Abunda," Hunyo 13, dahil ika-100 episode na ng 20-minute talk show ni Boy Abunda matapos niyang lumundag pabalik sa dating tahanan sa GMA Network.

Emosyonal pa si Boy nang ipakilala ang espesyal na bisita, na aniya ay hindi naman kailangang mag-guest dahil walang ipo-promote, malayo ang bahay mula sa GMA Network Center, subalit umoo nang maimbitahan niya sa kaniyang show.

Ito ay walang iba kundi ang isa sa mga reyna ng soap opera sa ABS-CBN na si Judy Ann Santos.

Si Juday ay malapit na kaibigan pala ni Tito Boy kaya naman masayang-masaya ang talk show host na nagpaunlak sa kaniyang paanyaya ang premyadong aktres.

National

27 volcanic earthquakes, naitala mula sa Bulkang Kanlaon

Natanong si Juday kung handa ba siya kung sakaling magka-proyekto siya sa Kapuso Network. Alam naman ng lahat na isang loyal Kapamilya ang misis ni Ryan Agoncillo.

Walang patumanggang sinabi ni Juday na willing na willing siya, lalo't maganda ang relasyon nila ng network. Binanggit ni Juday ang kaniyang pelikulang "Ouija" produced by GMA Films (GMA Pictures ngayon).

Naging guest co-host din siya noon sa musical variety show na "SOP" na katapat ng "ASAP."

"I've always had a good relationship with GMA-7. I made Ouija under GMA Films, nagge-guest ako sa SOP, I'd be their co-host, I mean, very open yung relationship ko sa GMA-7," anang Juday.

Sey naman ni Boy, alam daw niyang very busy at hands on si Juday pagdating sa pagiging reyna ng tahanan, kaya kung mangyayari ito, okay raw sa aktres ang mga limited series.

Natanong din siya ni Boy tungkol sa naging pahayag ni Optimum Star Claudine Barretto nang mag-guest ito sa Fast Talk, tungkol sa "rivalry" nila noon sa ABS-CBN bilang mga frontline stars pagdating sa serye.

Willing umano si Juday na makatrabaho si Claudine kung mabibigyan ng pagkakataon.

Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang kumpirmadong proyektong inilatag ang GMA Network para kay Juday.