Isang 19-anyos na lalaki na tinuturing ng pulisya bilang top one most wanted person para sa panggagahasa sa ikalawang kwarter ng taon ang inaresto sa Pasay City nitong Martes, Hunyo 13. 

Kinilala ni Col Froilan Uy, city police chief, ang suspek na si Michael Jovan Humang-it, 19, barbero, ng Maricaban, Pasay City. 

Sinabi ni Uy na naaresto ang suspek dakong alas-3:00 ng hapon sa Calachuchie Street sa Maricaban, Pasay City. 

Ang suspek ay inaresto ng mga miyembro ng Warrant and Subpoena Section sa isinagawang "Oplan Galugad" laban sa mga wanted person. 

Pagbebenta ng ₱20/kilo ng bigas para sa mga senior, PWD, solo parents, sisimulan sa Mayo 2

Sinabi ng hepe ng pulisya ng lungsod na ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Jehan Batua Sampao-Hassiman ng Pasay Regional Trial Court Branch 11 noong Agosto 1, 2021 nang walang piyansa. 

Sinabi ni Uy na nakakulong ngayon ang suspek sa police custodial facility.

Jean Fernando