Hinikayat ni Senador Francis Tolentino ang Department of Health (DOH) nitong Martes, Hunyo 13, na pag-aralan ang posibilidad na payagan ang mga dayuhang doktor na makapagtrabaho sa bansa sa limitadong panahon.

Sa kaniyang lingguhang programa sa radyo, ipinaliwanag ni Tolentino na tiyak na makikinabang ang local medical industry sa pagpapahintulot sa mga dayuhang doktor na magsanay sa bansa “sa maikling panahon,” hindi lamang pagdating sa pagpapalitan ng mga ideya, kundi pati na rin umano sa aspeto ng paglipat ng teknolohiya.

Ayon sa senador, marami ang mga doktor mula sa ibayong dagat na nagsasaad na magsagawa ng medical practice sa bansa, ngunit pinipigilan umano sila ng kasalukuyang protective policy.

Binanggit din niya ang kaniyang karanasan pagkatapos ng pananalasa ng super typhoon Yolanda noong Nobyembre 2013, kung saan isang grupo umano ng mga French at Spanish physicians mula sa Doctors Without Borders ang lumapit sa kaniya sa ground zero sa Tacloban City, at sinabi sa kaniya na kahit gusto nilang gamutin ang mga kritikal na pasyente, pinahintulutan lamang silang magsagawa first aid procedure dahil wala silang mga lisensya para mag-practice sa Pilipinas.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Kinilala naman ni Health Secretary Teodoro “Ted” Herbosa, na naging panauhin ni Tolentino sa programa, ang mga obserbasyon ng senador.

Binanggit ni Herbosa ang kaniyang karanasan noong nagtrabaho siya sa Malaysia bilang visiting professor sa isang medical university, kung saan ang Philippine medical license at ang kaniyang akreditasyon sa Philippine Medical Association (PMA) ay sapat na para makapag-practice siya ng medisina doon.

“Ang sinubmit ko lang ay yung lisensya ko sa Pilipinas, yung membership ko sa (Philippine Medical Association), yung curriculum vitae ko, tapos ni-review nila. Tapos kaunting interview, tapos binigyan ako ng temporary license in the hospital doon sa (National University of Malaysia), Universiti Kebangsaan Malaysia,” ani Herbosa.

Sinabi ni Herbosa na makikipag-usap siya sa Professional Regulations Commission (PRC) sa posibilidad ng pagluwag sa kasalukuyang alituntunin sa paglilisensya upang payagan umano ang mga dayuhang doktor na pansamantalang mag-practice ng kanilang propesyon sa Pilipinas.

Herbosa said he would talk with the Professional Regulations Commission (PRC) on the possibility of relaxing the current licensing rules to allow foreign doctors to temporarily practice their profession in the Philippines.

Mario Casayuran