Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang probinsya ng Occidental Mindoro nitong Martes ng gabi, Hunyo 13, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 8:57 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 24 kilometro ang layo sa hilagang kanluran ng Lubang, Occidental Mindoro, na may lalim na 67 kilometro.

Naramdaman ang Intensity II sa Quezon City.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Naitala naman ang Instrumental Intensity I sa City of Tagaytay, Cavite, at sa City of Calapan, Oriental Mindoro. 

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa kalapit sa lugar sa posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi naman umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.