Iniulat ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na umabot sa 59,241 ang mga pasaherong nagbenepisyo sa libreng sakay na ipinagkaloob nitong Araw ng Kalayaan, Hunyo 12.

Ayon sa MRT-3, nasa 23,186 ang mga pasaherong nakatanggap ng libreng sakay mula 7:00AM hanggang 9:00AM.

Nasa 36,055 naman ang nakapag-avail ng parehong serbisyo mula 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m.

Samantala, may kabuuang 227,901 naman na mga pasahero ang sumakay ng linya ng nasabi ring araw.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Ang libreng sakay ay taunang aktibidad ng MRT-3, kasama ang Department of Transportation (DOTr), bilang paggunita sa ginawang sakripisyo ng mga bayani sa Araw ng Kalayaan at upang maipalaganap ang diwa ng okasyon.

Ang MRT-3 na bumabaybay sa kahabaan ng EDSA, mula Taft Avenue, Pasay City hanggang North Avenue, Quezon City.