Bumili pa ang Department of Health (DOH) ng karagdagang doses ng bivalent vaccines laban sa Covid-19.

Sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa nitong Martes, Hunyo 13 na ang kasalukuyang suplay ng bivalent vaccines at hindi sapat para sa mga Pinoy.

Ang bivalent vaccines ay isang uri ng bakuna na ang target ay ilang ispesipikong variants ng COVID-19, kabilang ang mas nakahahawang Omicron.

Noong Sabado, nasa 390,000 doses ng bivalent vaccines, na donasyon ng Lithuania, ang dumating sa bansa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Kulang na kulang po itong 390,000 so what we need to do is to prioritize who needs it first. One, the elderly. Second, those with comorbidity, and third, healthcare workers. Since nag-wane na ‘yung immunity nila, we need to protect them all,” ani Herbosa, sa isang press briefing.

Ani Herbosa, ang mga naturang bakuna ay naipamahagi na sa iba't ibang health centers ng mga local government units (LGUs).

Malaking bahagi nito ay sa Metro Manila.

“We are negotiating to acquire more. There are more that want to donate. There are probably some procurement we need to do,” aniya.