Inobliga na ng Commission on Audit (COA) ang Government Service Insurance System (GSIS) na singilin at kolektahin ang higit P2 bilyon na hindi pa nabayarang mga utang sa ahensya.

Nabatid sa naturang ahensiya ng pamahalaan na ang nasabing halaga ay bukod pa sa interest ay umabot na sa P823 milyon.

Tinatayang nasa higit 20 kumpanya ang may pinansyal na pagkakautang sa GSIS.

Sa taunang audit report ng GSIS noong 2022, pinakamalaking hindi pa nabayarang loan ang halagang P600 milyon na nailagak sa isang hindi na pinangalanang kumpanya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Anila, ang nasabing utang ay hindi pa nabayaran sa loob ng 25 taon.

Iniulat na isang property developer ang nasabing borrower at mula noong 2003 ay hirap na itong makabayad kaya nai-foreclosed na ang ilang mga pag-aari nito.

Maliban dito, tinatayang mula pa 1994 hanggang 1997 ang iba pang hindi nabayaran na mga utang sa ahensya.