Isang matandang babaeng Ecuadoran ang napaulat na bumangon umano mula sa kaniyang ataul habang pinaglalamayan na ang kaniyang bangkay, matapos siyang ideklarang patay sa state hospital na pinagdalhan sa kaniya ng mga kaanak.

Kumakalat ngayon sa Twitter ang ulat tungkol kay Bella Montoya, 76, na isinilid na sa kabaong at nasa lamay na, nang matuklasang humihinga at may vital signs pa ito. Nagbigay pa raw ng death certificate ang ospital.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, isinalaysay ng anak ni Montoya na si Gilbert Balberán na nakarinig sila ng ingay mula sa loob ng kabaong ng kanilang ina, makalipas ang halos limang oras na wake.

Nang tingnan daw nilang maigi ang "bangkay," nakita nilang humihinga pa ang matanda, at nagpupumilit itong makaalis sa kabaong dahil sa suffocation.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Kaagad namang ibinalik sa ospital ang kanilang ina at inilagak sa intensive care unit.

"My mom is on oxygen. Her heart is stable. The doctor pinched her hand and she reacted," ani Balberán sa ulat ng El Universo newspaper.

"They tell me that this is good, because it means that she is reacting little by little."

Dinala raw nila si Montoya sa ospital dahil sa "suspected stroke," na lumala at nagkaroon ng cardiorespiratory arrest. Ni-revive daw ito subalit hindi na nag-respond sa isinagawang resuscitation maneuvers kaya idineklarang patay na ng doktor.

Hindi naman nabanggit kung may balak na magsampa ng demanda ang pamilya sa doktor o sa ospital.