Masaya ang Kapamilya star na si Andrea Brillantes na unti-unti ay nakawala na siya sa pagkakaroon ng "love team" dahil nabibigyan na siya ng mga proyekto na hindi na niya kailangan ng katambal.

Sa panayam ng isang magazine kay Andrea para sa "Drag You and Me," sinabi niyang nais niyang "wasakin" na ang nabuong image sa kaniya ng publiko na isa siyang child star, at isa na siyang "grown woman."

Kaya asahan na mula kay Andrea ang pagtanggap ng more mature roles---gaya ng isang drag queen.

"Ang dami pa rin namang nagsasabi na ang bata-bata ko pa. I’m 20 na, and pataas na lang ’yon nang pataas," anang Andrea sa ulat ng ABS-CBN News.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

"Sana maiwan na nila ’yong image ko na ako lang ’yong 12-year old, 10-year old na ’yon — na hindi ako puwedeng mag-explore sa mga ganitong roles."

Kaya naman, hindi siya nangiming tanggapin ang "queer ally" role sa naturang proyekto.

"Mas gusto kong i-tackle ang mga serious topics and ito, kasi nire-represent natin ’yong LGBTQIA+ (community). Kung may matututunan ako kay Betty (pangalan ng karakter niya), huwag maging marupok."

"Magbigay din ng second chance sa mga tao na karapat-dapat, kasi may mga taong deserve ang second chance. May mga tao rin na hindi na. Iyon — dapat ’yon ang matutunan ko sa kaniya," dagdag pa.

Dahil sa kaniyang mga nasabi, timely sigurong tanungin kung kaya ba niyang bigyan ng second chance ang ex-boyfriend na si Ricci Rivero, ngayong break na sila?

MAKI-BALITA: Ricci at Andrea, hiwalay na? Ricci, may pasabog na tweet

Well, si Andrea lang ang makakasagot niyan!