NUEVA ECIJA – Nasa 7 katao at P38,000.00 halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa anti-criminality operations sa lalawigan dito nitong Lunes, Hunyo 12. 

Sinabi ni Col. Richard V Caballero, Provincial Director, Nueva Ecija Police na ang magkahiwalay na anti-illegal drug buy-bust operations na naganap sa Barangay Dinarayat at Sampaloc na nagresulta sa pagkakaaresto sa apat na drug trader kung saan dalawa sa kanila ay menor de edad, at estudyante. 

Dagdag pa, ang parehong operasyon na isinagawa ay nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlo pang nagbebenta ng droga. 

Higit kumulang 5.45 gramo ng hinihinalang shabu at 4 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may pinagsamang tinatayang Dangerous Drug Board Value na P38,060.00 ang nasamsam sa mga operasyon. 

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Sasampahan ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).