18 eskwelahan, suspendido ang mga klase dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon -- DepEd
18 eskwelahan, suspendido ang mga klase dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon -- DepEd
Suspendido ang mga klase sa 18 paaralan sa Bicol Region dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Batay sa inilabas na situational report ng Department of Education (DepEd) mula nitong Lunes, Hunyo 12, nabatid na ang mga paaralang sinuspinde ang klase ay matatagpuan sa mga munisipalidad ng Camalig, Daraga, Guinobatan, at Malilipot at mga lungsod sa Ligao at Tabaco sa Albay.
Anang DepEd, nasa 14 paaralan ang ginagamit bilang evacuation centers.
Ang dalawa sa mga ito ang matatagpuan sa loob ng six-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng Mayon Volcano.
Nasa 45 paaralan naman ang nasa loob ng seven-to eight-kilometer radius.
Matatandaang noong Lunes din ay pinalawig pa ng provincial government ng Albay ang danger zone sa paligid ng bulkan sa pitong kilometro dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.