Nakiisa si Senate President Juan Miguel "Migz" Zubiri sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ngayong Hunyo 12, at sinabing patuloy na itataguyod ng Senado ang kalayaan ng bansa.

“Mula po sa inyong Senado, maligayang ika-125 taon ng Araw ng ating Kalayaan,” ani Zubiri sa kaniyang video message.

"Asahan n’yyo na andito po ang inyong Senado, patuloy na nagtataguyod at nagbabantay sa kalayaan ng ating bansa at ng bawat Pilipino—kalayaan na maging ganap na mapayapang demokrasya, at kalayaan mula sa gutom at kahirapan,” dagdag niya.

Hinikayat din ng senador ang mga Pilipinong gumawa ng magagandang bagay para sa ikauunlad ng bansa.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

"Sama-sama po nating ibuhos ang ating buong puso, sipag, talino, at kakayahan sa patuloy na pagpapaunlad ng ating bayan, at patuloy nating ipagmamalaki ang ating pagiging malayang Pilipino,” ani Zubiri.

“Mabuhay po ang ating bansa, mabuhay po ang Pilipinas,” saad pa niya.