NUEVA ECIJA - Arestado ang isang Wanted Person at suspek sa motornapping nitong Linggo Hunyo 11.

Sinabi ni Police Colonel Richard V Caballero, Provincial Director, Nueva Ecija PNP, na isang 37-anyos na lalaking Wanted Person ang naaresto sa Barangay Rafael Rueda Sr., San Jose City, Nueva Ecija sa bisa ng warrant of arrest for Physical Injury.

Samantala, inaresto ng mga operatiba ng Jaen Police, sa tulong ng security guard ng isang cockpit arena sa barangay Sapang, Jaen, Nueva Ecija, ang isang motornapper matapos nitong tangkaing kunin ang isang itim na Honda Click motorcycle.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa RA 10883 (The New Anti-Carnapping Law).

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

"Kami ay nakatutok sa pag-aresto sa sinumang sangkot sa anumang uri ng ilegal na aktibidad. Ganun din, ang kampanya laban sa Wanted Persons ay nananatiling isa sa ating mga prayoridad,” ani PCOL Caballero.