Nakiisa si Vice President Sara Duterte sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas nitong Lunes, Hunyo 12, at hinikayat ang publikong gawing inspirasyon ang mga bayani ng bansa upang marating umano ng bawat isa ang isang bagong yugto ng pag-unlad.
“Today, we celebrate the enduring legacy of resiliency, courage, and the bayanihan of Filipino patriots,” ani Duterte sa isang pahayag.
“The painstaking years of martyrdom left us with a strong legacy of patriotism and love of country in leading the way towards the triumph of the Filipino amidst the challenges of nation-building,” dagdag niya.
Ayon kay Duterte, nagsisilbing inspirasyon ang mga bayani ng bansa sa pagkamit ng inklusibong pag-unlad na mag-aalis umano sa bawat Pilipino sa tanikala ng kahirapan, insurhensiya, pagkalulong sa droga, at iba pang banta sa pambansang seguridad.
“Let us rally behind our education sector to enable our children and youth to break free from the dangers of armed struggle so that they can realize their full potential and serve as agents of positive change in society,” anang bise presidente.
“Let us also take this time to thank the heroes of today who continue to fight for our freedom from terrorism, criminality, corruption, and local communism, and who, to this day, remained unwavering in securing the gains of our development across public health, economy, peace and order, and governance,” dagdag niya.
Ipinahayag din ng bise presidente na nararapat na akayin ang bawat isa ng kalayaan tungo sa isang mas makatarungang lipunan na nagtataguyod sa kabutihan ng mga Pilipino.
“Above all, may we continue to find the indelible mark of heroism not just in the unfurled and hoisted colors of our Philippine flag but also in our shared resolve to build a better way of life, defend our people’s liberties, and protect our Republic,” ani Duterte.
“Our diversity is our strength, and we remain committed to Filipino values and aspirations founded on our shared patriotic ideals,” saad pa niya. “Together, let us march to a new period of progress with optimism, courage, and unity."