Ngayong Araw ng Kalayaan, Hunyo 12, hinikayat ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga Pilipinong pangalagaan at ipaglaban ang kalayaan ng bansa.

“Maligayang Araw ng Kalayaan sa ating lahat! Sa araw na ito, ating ipinagdiriwang ang diwa ng kasarinlan at kalayaan. Isang pagkakataon ito upang magbunyi sa ating mga bayani na nag-alay ng dugo at pawis para sa ating kinabukasan,” ani Remulla.

“Magsilbing hamon sa atin ang kanilang mga sakripisyo na pangalagaan at ipaglaban ang ating kalayaan.”

Hinikayat din ni Remulla ang mga Pilipinong patuloy na mahalin, at isulong ang ikabubuti ng bansa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Sa bawat pagkakataon, patuloy tayong maging mapagmahal sa bayan, maging tapat sa mga prinsipyong ipinaglaban ng ating mga ninuno, at magtulungan upang isulong ang kapayapaan, katarungan, at kaunlaran sa ating bansa,” saad ni Remulla.