Camp Olivas, San Fernando, Pampanga -- Ginunita ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa PRO3 Patrol Hall dito, Lunes, Hunyo 12.

Dumalo ang mga uniformed at non-uniformed personnel sa naturang aktibidad na may temang "Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan."

“Ipagpatuloy natin ang ating tapat na serbisyo upang supilin ang iligal na droga, kriminalidad at katiwalian sa bansa. Hangad ko na ang damdaming makabayan at malasakit sa kapwa at bayan ay mag-alab sa puso ng bawat pulis. Ating tuparin ang sinumpaang tungkulin na pagsilbihan at bantayan ang mamamayan. Pangalagaan ang karapatan ng bawat Pilipino upang malaya silang makapamuhay sa tahimik at maayos na pamayanan,” saad ni PRO3 Director PBGEN Jose Hidalgo, Jr. sa isang pahayag.

Probinsya

13-anyos na babae, hinalay matapos mangaroling

Umapela rin siya ng suporta at kooperasyon mula sa publiko para maiwasan ang mga hindi kanais-nais na insidente sa pagdiriwang ito.

“We are once again appealing to the public to report any suspicious persons, activities and unusual occurrences in the community to the nearest police station," dagdag pa niya.